Wednesday, March 18, 2015

Si Nanay, May Cancer of the Parotid Gland



Si Nanay - ang pinakamagandang babae sa lahat. Nang bata pa ako number 1 fan ako ni Nanay. Feeling ko kamukha niya si Amalia Fuentes. Maski na tinutukso ako ng aking mga kaibigang putik at classmates na napulot lang ako sa basura dahil hindi ko kasingganda ang Nanay at mga kapatid ko, wala akong naramdaman na resentment or inggit.. Sabi nga nila, a thing of beauty is joy forever. Makita ko lang ang Nanay at mga kapatid kong magaganda tuwing magising ako sa umaga, buo na araw ko. 

Mahilig siyang magluto noong bata pa kami. Hindi nya tinantanan ang aming portable oven hanggang hindi niya na perfect ang chiffon cake (or angel cake ba yun?). Champion siyang gumawa ng native puto at kutsinta from scratch, mula sa pag giling ng bigas or galapong, pag gawa ng lye hanggang serving with matching kinayod na niyog. Nanalo pa nga siya ng 3rd place sa isang recipe-writing contest. 

Magaling siyang mag decorate ng aming maliit na dampa. Ang gaganda ng kanyang mga orchids, makukulay at matataba ang kanyang mga halamanan. Sunod sa uso ang mga damit naming magkakapatid, magaling ang kanyang fashion sense, although hindi siya tunay na kikay mag ayos sa kanyang sarili - baby powder at lipstick lang beauty na siya. 


Marami kaming di pagkakaunawaan noong naging teenager na ako hanggang nagkaasawa na ako. Pero habang tumatanda ako, naunawaan ko ang Nanay. Naging magkaibigan na kami. 

Si Nanay, ang pinakamagandang Nanay, pinaka kalog na Nanay, tao lang , hindi perfect...kaya noong matanda na ako, saka ko nadama at na appreciate nang husto ang pagmamahal niya. 

'Nay, sana hindi na magtagal ang sakit na nararamdaman  mo....magkakasama din kayo ni Tatay sa langit sa tamang oras. Mahal kita 'Nay. 

Please pray for my 86-year-old mom who is diagnosed with parotid gland cancer after she was hospitalized from swollen throat. Turned out she also had a mild stroke. Because of her age, the doctors advised against chemotherapy or physical therapy. She was brought home today at my sis' house. Please pray too for my sis' strength in taking care of Nanay.


Postscript:
Namatay si Nanay noong August 2012, pagkapatapos ng isang taong pagkaratay.  May panahong galit siya sa Panginoon dahil hindi siya kinuha agad.  Noong nakaburol siya, napakaganda niyang tingnan, at parang natutulog lamang.  Nais ko talagang kunan siya ng larawan, pero dahil na rin sa respeto, walang kumuha ng larawan niya dahil noong buhay pa siya, ayaw niyang makita ang larawan niya na matanda na siya.  

No comments:

Post a Comment